Sige, aamin na ako. Guilty as charged, may bago akong kinaaadikan. Malaki-laki na din naman kasi ang investment ko sa bago kong kinahuhumalingan ngayon. At saka madami na din kasi akong napasayang tao dun ~ malapit na silang mag-bente mil.
Una, udyok lang ng mga kasama ko sa team, kala ko naman kasi hindi ako malululong. Ang siste, masarap pala, nakaka-high ng feeling! Pati yun tunog niya, talagang nakaka-enjoy! Yun ang lullabye ko pag matutulog pagkakain ng tanghalian; o di kaya naman matapos kong lantakan ang turong ibinebenta ni Ate Alma. Ang maganda kasi, hindi naman kailangang tutok ako ng bonggang bongga. Gagana at gagana siya basta sisilipin ko lang kung ano nangyayari sa kaniya.
Pati pala pagsasaka pinasok ko na din ngayon. Pero siyempre, hindi pa din ako bihasa. Kahit pala laki ako sa bukid hindi din ganun kadali. Palibhasa naman, hindi din ako nasanay na magtanim. Malay ko ba sa pagbubungkal ng lupa. At asa kang hahawak ako ng kalaykay at pala para magbungkal ng lupang taniman, neknek mo! Pero ngayon, inaaral na din. Masaya din pala ~ lalo na pag gagatasan mo na yun baka at kukunin mo na yun itlog ng manok! Sabay pitas ng kamatis, patani, talong at kung anik-anik pa sa taniman. Pati nga prutas na cherry eh! Yes, cherry! Yeah man, you got it right! Cherry Fruit!
Hahaha, tama! Adik ako sa Facebook ngayon. Kaya nawala ako! Kasi ba naman masayang mag-Restaurant City. Pati Farmville nakakaaliw. Barn Buddy pwede na din, kaso may mga nagnanakaw ng tanim ko hehehe. At ang lakas ng loob na umamin sa aking ninakaw niya ang pananim ko! Ikaw Tin ha! Komo masaya ang lovelife mo, pati yun barn buddy ko pinanghihimasukan mo!
Oh sige ita-try ko bumalik. Sana araw-araw makasulat ako... kahit hindi muna matino. Turete din kasi ang utak ko ngayon. Dami iniisip, dami gusto gawin. Umiiral ang topak baga. Alam ko, malamang bugbog-sarado ako sa mga kaibigan ko sa Sabado. Lalo na kay Doctora! Baka turukan ako nun ng anaesthesia (tama ba spelling ko?).
Sige pag sinipag ako bukas, sulat ko yun tsismisan ng mga kasakay ko sa service namin araw-araw. Minsan din kasi, tingin ko worth it na isulat. Tamad lang talaga.
Oh siya, mag-aani muna ako ng patani! Babu!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)

No comments:
Post a Comment