Makati, NCR, Philippines
Those who are interested to know me, read on… Those who are interested to share a space on my sphere, go on… Those who are ready to embrace me, carry on… Those who’d like to celebrate life with me, let’s get it on…

Saturday, June 13, 2009

I got my AKO MISMO Dog Tag!


It is a movement where you can show your patriotism and compassion, and make these traits infectious.

It’s about action that eradicates hopelessness in every Filipino.
How hard will this be to accomplish? Well that will be entirely up to you.In AKO MISMO you get to choose the cause you wish to pursue. No cause is too small as long as it is a noble one. All we ask is that you make a pledge to do it.

You yourself can pledge anything: from teaching English to your yaya’s kid, to making sure that your barangay is dengue-free.

Or make a pledge to do your part in ending corruption, prostitution, illegal drugs or the inhumane treatment of animals. The choice is yours.

No matter how small, as long as you pledge that you yourself will take action, it’s sure to make a big difference.

Giving more hope for Filipinos to stop merely surviving, and start living. And it starts with you.

MISMO yan.
_____________________________________

And yes, I got my dog tag already. I'd like to thank my officemate Niok for getting the tags for me and my friend Grace. Through him I did not need to line up in the long stretch as to where this tag is sold (and yes, I didn't watch the patriotism concert yesterday in The Fort).

Truth is, I can no longer recall what was the commitment I previously posted in the akomismo website. I registered a few weeks back and have not checked the site again (except today when I extracted the info above). As it is, the site is not elaborate you can't find updates like the ones you usually find in your Friendster, Facebook and Multiply websites. And yes, the akomismo.org is not really a networking site. But true to its ideals of "pagkilos para sa bayan", the site has mentioned a few partner organizations the akomismo.org members could choose to help in bringing changes, big or small, for this country. And I think it's high time that all Filipinos, here and abroad, should make their AKO MISMO pledges ~ ngayon na ang tamang panahon upang lahat tayo ay kumilos para sa bayan natin!

So what are you waiting for, sign up now! Visit http://www.akomismo.org/ for more details.

Friday, June 12, 2009

Happy Weekend!

Today’s the Philippine Independence Day, a non-working holiday here in the Philippines, yet I am here in the office spending some 8-9 hours of work again. I could have been out this day (or tomorrow – June 13 – to offset) but the choice is not mine for now ~ I would have to be here for a certain information campaign that I should deliver myself. Being here during days when offices are closed and people are having some good times out has been pretty customary. I still feel homey though despite the non-presence of Mom and Dad, my sometimes pesky nephews and niece, and of course, my ever galling siblings! Since this has been a normal cycle for me and my officemates, their presence seem to compensate my craving to the laughs of my very own family (at home, times like this are bonding time). And yes, I would have to join my ever-beloved officemates in sacrificing the should-be-day-off in the service of our client. Speak about work dedication!

Good thing though, time runs too fast and the half of the day is over as I am writing this. In a few more hours, I’ll be home sweet home! Ought to get some good rest as a relaxing weekend awaits me. One more day and I could tuck myself in my room to finish reading the Twilight Book ~ my second take. Of course, reading the New Moon Book is sure to follow; I need to refresh my vampire knowledge since in a few more months the second part of the saga will be shown in theatres. I’ve seen the trailer of New Moon and it stirred my excitement (here comes some violent reactions from people who thinks that the second movie was also low-budgeted, like the first). I could sense the Team Edward-Team Jacob battle gearing up once more! Hehehe, this time around, I’ll be in support of the wolf. Dunno, guess I just want to be with the side of the wolves on this one.

For now, happy weekend everyone! See yah some other time!

Wednesday, June 10, 2009

Ang Pagbabalik

Ang hirap bumalik… para akong nanganganay eh naknampucha, as if naman pwede akong manganak!

Ang tagal tagal ko ding nawala sa sirkulasyon. Pumurol na nga ata ang lapis ko eh. O pwede ding tinamad lang talaga ako ng bonggang-bongga at dinedma ang napakaraming pangyayaring pwede ko namang isulat. May istoryang boksing, may kasalan, may buntisan, may outing, at siyempre may eskandalo. Meron ding mga bagay-bagay na araw-araw kong ikinakainis gaya ng palipat-lipat na sakayan namin ng bus (paging Calamba Traffic Management Office ~ mag-ayus-ayos naman po sana tayo!)… siyempre pa, habang naiinis ako gumagana ang utak ko noon. Kung naisulat ko agad ang pagkainis ko, malamang hindi nablangko ang pahina ng blog ko ng matagal. Naman kasi eh, kung bakit kailan nagririgodon ang sentido ko at naglalangis, siya namang kawalan ko ng papel at lalong kalayo ko sa harap ng computer!

Sa mga isyung nabanggit ko sa taas, madami-dami din akong masasabi. Una, oo ~ Pilipino ang lahi ko! Nakisigaw, nakipalakpak at nakipaghuntahan din ako ng tungkol sa kwentong boksing na pucha, mas matagal pa ata ang itinagal ko sa kubeta para tumae! Sa kamalas-malasan pa, sasaglit lang nagzero crime rate ang Pilipinas noon, hindi pa nga ata! Humihina na ata si Pacman... yun na nga lang ang powers niya (ang magpawala ng krimen sa bansa), hindi pa niya tinagal-tagalan. Ngayon, pano pa siya magpupulitika niyan? Pag nagkataon, kung wala na siya sa boxing, baka ang krimen sa bansa lumobong parang yun pagpapasa lang namin dine sa opisina ng ubo at sipon sa mga katabi namin. Well, siyempre ibang scenario na rin kung sakaling sa Kongreso na lang manuntok si Pacman, out of habit baga. Basta ang rekomendasyon ko na lang, kung sakali’t mananalo nga si Pacquiao eh gawin na lang siyang props sa Kongreso. Ang hindi matinong congressman – yun mga natutulog lang sa sesyon – umbagin niya! Tingnan ko lang! Wag na lang siyang gagawa ng batas ha! Kasi nga, you know…

Ooops, masingit lang pala - hindi ko gusto yun tubig na ineendorse niya – kailangan ata si Pacman mismo ang magbukas. Naknampucha sa higpit!

Kwentong kasalan? Oo nga, tapos na yung kasalang pinaghostan ko. Well, ano bang masasabi ko eh di enjoy naman… para na naman akong nakainom ng tubig na may kiti-kiti habang naghohost ako! Energy to the highest level! Partida ~ inuubo at sinisipon ako mga dalawang araw bago yung kasalan na yun ha! Well, sa inyo King and Chiqui – mabuhay kayo! Harinawa’y masundan na nga si David!

Buntisan? Hala! Ayoko magsalita!

Outing? Eh ano pa nga ba eh di nagtampisaw ang mga utaw dine sa napakainit na tubig ng Splash Mountain sa Los Baños. At siyempre eh humalakhak ng bonggang bongga sa mga gandanghari ng opisina! Tulo lahat ng pwede tumulo sa kakatawa!

At ang huli – eskandalo! Ang sa akin lang, para nang circus ang buong kwento! Lahat biktima, lahat nababoy, lahat inosente! Pucha! Sinong may sala aber? Basta ako naniniwalang biktima yun babaeng nakunan ng video ~ saan mo man dalhin yan, babae yan! Igagalang dapat! Hindi kukunan ng malalaswang video habang nagpapakasawa ka sa katawan niya! Yun mga nagsasabi namang wala silang alam sa pagkalat ng video, neknek niyo! Eh ayan at kalat na, kayu-kayo lang ang may hawak nun laptop at ng hard disk, wala kayo alam? Naknampucha! Ano yun himalang basta na lang lumitaw sa internet at sa bangketa? Naalala ko nun gabing lumabas yan sa internet, pinanood kagad namin dine sa opisina. Pero tamaan man ako ng kidlat, hindi ko po ikinalat hahaha. Hindi ko na nga din pinanood ule... pati yun sex video kasama ng doctor ang dati niyang jowang model na ngayon ng modess. Artista ako, aanhin ko naman yun ~ respeto na lang din sa kapwa ko artista, joke!

At siyempre kay Doctor Maniac, ano pa bang sasabihin ko sa iyo kundi wehehehe... enjoy ka sa limelight noh? Sayang ka! May itsura ka pa naman at may magandang titulo, tinarantado mo lang ang sarili mo! Una pa lang duda na ako sa pagpatol mo sa doktorang iyon eh! Eh di ngayon lumabas lahat ng nahuthot mo sa kaniya... condo, laptop, business trips, etcetera etcetera. Buti nga at nabuhusan ka ng tubig! Buti nga at binansagan kang Pambansang Maniac! Kulang pa ata yun sa lahat ng katarantaduhang ginawa mo! Pero sabi ko nga, enjoy ka naman ata sa limelight eh. Sikat ka! Lahat na lang ng opisina ng gobyerno gusto kang imbestigahan, sabay kilig ng mga empleyadong babae roon pag ikaw ay bumibisita ~ hindi makapagpigil sa makalaglag-panty mong itsura. Ang mga Pinay nga naman, basta pogi! Sabi mo pa, blame the sin, not the sinner! Pucha… so ibeblame namin ang pagpapakita mo ng lawit mo sa apatnapung video mo sa iba’t ibang babae? At kung di ka din ba naman isang hayok! Magpiyesta ba sa sarili mong sex video? Maintindihan ko pa kung may collection ka ng sex video ng ibang tao; pero sarili mong video? Aba… kakaiba ata yun ah! Ngayon lang ata ako nakarinig non! Innocent asking lang ha – nalilibugan ka ba pag nakikita mo ang sarili mo sa video? Kung yes ang sagot mo, tsk tsk! May sakit ka nga!

At siyempre meron tayong mga Best Supporting Roles sa circus! Si Senador na wow! Napakalinis, andami namang kabit! Ang Best Supporting Actress ~ si Nanay ni Maniac Doctor siyempre! Ikaw ba naman ang humawak ng crucifix at umupo sa harap ng Sto. Niño habang nagbibintang ng kasalanan ng anak mo sa ibang tao ~ winner talaga! Sinasabi ko na nga ba’t ang magandang launching vehicle para kay Pokwang eh hindi ang Aling Dionesia Life Story!

Hayyyy buhay. Basta, mahirap bumalik! Sa sobrang hirap bumalik, pura mura’t panlalait na lang ang ginawa ko sa blog entry na ito! Yoko na nga! Manuod na lang ako ng rally sa Ayala Avenue... CON-ASS naman!