* Hindi ako makapag-blog recently, kahit hindi naman busy. Promise, tatapusin ko yun blog about my 3rd Bora Escapade and yun Negros Get-Away... may magandang istorya about that... especially yun sa Mambukal Resort
* 4 weeks na po... yes, 4 weeks na walang text from the person who used to be a constant companion... okay naman... hindi ko na din hinahanap at ineexpect
* Nagkasakit ako for a few days and one week medication... pharyngitis saka allergic rhinitis... kala ko UTI uli eh, saka macoconfine na ako... ikaw na magdeliryo at magsisigaw dahil sa taas ng lagnat
* Dami nagkakasakit recently... ako, tatay ko (at naconfine uli... naghirap na naman ako hehehe pero okay lang at least okay na siya), tatay ni Ryan (na-ICU, buti na lang okay na din sya), si Ryan din mismo, si Grace muntik na, si Mayeth siyempre (and how I missed Yeth during the Bora-Negros jaunt), si Kuya Mikki ngayon... hayyy, sana wala na sumunod...
* Tunog pa din ng tunog ang CP ko... dahil kay E... hmmm, matinik talaga ako... I can make someone fall kahit sa pakikipaglandian ko lang sa text... kaya nga off limits lahat ng friends ko sa cellphone ko eh... maintriga kasi...
* Gusto ko uli mag-Bora... sana nga anak-mayaman na lang ako...
* Gusto ko din dalhin ang parents ko sa Bohol... sana next year, kayanin ng budget
* Gusto ko na i-close ang credit cards ko... ayoko na malubog...
* Ang internet shop ko... ewan... minsan gusto ko isara, minsan hindi naman...
* May dalawa akong bagong inaanak... anak ni Teleng at anak ni Sherley (prisintado ako dito, Club T kasi eh)
* Siguro susunod na ikakasal si Sheim na... abay kaya ako? Ninong kaya ako ng magiging anak niya? Abangan...
* Kasabay ko kanina uli sa bus ang first love ko... wala lang... deadma kami pareho... as if, hindi kame magkakilala... ewan ko ba... hindi naman kame magkaaway
* Bitter yun mga text na narereceive ko lately... pero bakit hindi naman ako apektado...
* Ber months na... nagpaplano na kame ng Christmas Party... and as usual, pabibo na naman ako hehehe... kailan ba naman hindi???
* Love ko na uli ang work ko... it made me feel na I am good and I am destined to be great...
* Gusto ko ng iPod... baka Christmas gift ko for myself...
* Minsan gusto ko ng SLR camera, pero minsan ayoko din... aanhin ko yun??? Eh may maaalala lang ako...
* Stalker ako, may nagsabi... pwedeng oo, pwedeng hindi... pero heller... ang level naman ng inii-stalk ko eh yun tipong mataas naman sa akin ng ilang level... hindi yun cheap na kung sino lang jan na mapagpanggap...
* Hindi komo binabasa ko blog mo eh bilib ako sa iyo... nah... sowee... mas madami akong nababasang magagandang blog... at kung blog at blog din lang... sa blog pa lang ng friends ko na sina Mayeth, Loisa, Ryan at Grace, okay na ako... itsura nito!!!
* Ang blog ko kinonsider ng ManilaLeaP ng Accenture for publishing... sana mapili at makapasa kahit may mga foul words ako na sinulat...
* At sana eh hindi magreact si CSV sa mga blogs ko especially yun about babes... lagot ako wahahaha!!! Baka ipagdasal ako noon...
* At lastly, ngayon ko minahal lalo ang family ko, ang 4 na friends na nasa featured profile ko sa friendster at siyempre ang sarili ko... sige na nga, magpapagupit na ako... kalimutan na ang planong magpa-rebond
* Bukas o sa makalawa, matino na ang blog na isusulat ko...
Subscribe to:
Post Comments (Atom)

No comments:
Post a Comment