Isang taon na ngayon nang sinulat ko ang una kong entry sa blog na ito. Marahil, nais ninyo akong kumustahin isang taon matapos ang paglalabas ko ng saloobin.
Hindi ko ikakailang naging napakahirap sa akin ang tanggapin ang mga bagay na nagpasakit sa damdamin ko ng lubusan. Hindi ko na din maalala kung ano ang mga pinagdaanan ko sa isang taong nakalipas. Ang alam ko lang ngayon, habang sinusulat ko ang entry na ito, naghilom na kahit papano ang sugat. Muli na akong humahalakhak, muli na akong nabuhay. Sa sakit na pinagdaanan ko noon, akala ko hindi ko na masisimulan muli ang pagbangon, at eto nga, naliligayahan ako sapagkat nahaharap ko na ang bukas na may ngiti sa aking mga labi. At muli matatag na akong sumasabak sa lahat ng hamong aking hinaharap.
Marahil ay tinatanong ninyo rin kung nasan na ba ang taong nagdulot sa akin ng nasabing pait. Ang totoo, siya ay isa pa ring malaking parte ng buhay ko ngunit hindi na umuukopa ng malaking bahagi ng aking pagkatao. Para kasi sa akin, magkaiba yun. Oo, hindi ko siya inalis sa buhay ko; katunayan, nanatili siyang malapit na kaibigan, ngunit natutuwa akong isiping hindi na sa kaniya umiikot ang mundo ko. Hindi na ako nasasaktan sa mga pagkakataong naaalala ko ang naging maganda naming samahan. At higit sa lahat, hindi na ako naiiyak sa tuwing ako'y inaatake ng kalungkutan. Ngayon nga, siya ay isa na lamang presensiya... maaaring nararamdaman ko, maaaring hindi... pero tuloy ang buhay ko... makulay, matibay at puno ng pag-asa.
Isang taon na... salamat at malakas na akong muli... at ngayon nga, muli kong ilalagay ang sulating nagsimula ng lahat, hindi upang ungkatin ang mga sugat na naghilom... kundi upang burahin ang pilas na iniwan... dahil sa araw na ito, matapos ang isang taon... idedeklara kong buo na muli ang aking pagkatao...
_________________________________________________
Day 1... The Art of Letting Go
Last night, was basically my "Friday, the 13th"... It didn't start good... I waited again for more than 30 minutes... for the nth time, hindi sia sumipot sa oras ng usapan... then i learned, may pinuntahan pala siya prior to our meeting...
We had our dinner... masama pakiramdam niya... hindi makausap ng matino... I've been the usual most patient pal... but I was really really nervous... coz I know that this is the night when it really had to end...
Dinner ended... we're fighting as to where to go next... we decided to have some coffee... and doon ko napinasabog... ibinigay ko na ang sabi ko ibibigay ko sa kaniya... isang simpleng sulat na naglalaman ng lahat ng emosyon at galit na kinimkim ko ng matagal. Binasa niya lang ng tahimik, nilukot, at itinapon. Pinulot ko at inutusan siyang tapusin ang pagbabasa... ginawa naman niya... but the agitation was there... the anger was felt... maybe because huli na siya... at tama lahat ng sinulat ko...
Sa galit, nagwalk-out siya... ni hindi natapos ang kapeng inorder niya... ni hindi nga nabawasan man lang... I being an insane person, humabol... pero hindi ko kayang talunin ang isang track and field athlete... naiwan ako... pabalik- balik sa bakanteng lote kung saan siya nawala bigla... nagtatago ata... knowing how poor my eyesight is, alam niyang hindi ko siya makikita... or probably nakatakbong bigla doon sa subdivision na restricted... na obviously, wala ako access...I decided to leave and go... until nakareceive ako ng text galing sa kaniya... message was plain, "Salamat". Nagreply ako, sabi ko bakit bigla siya nawala... hindi na ako nireplyan...
Malapit na ako sa bahay ng may isa uling text message "Ingat ka na lang. Sori. Love you". Sumagot ako, sabi ko "Sorry din, if you were hurt I was hurt more"... Wala ng reply... Tinext ko na lang "Tulog ka na, pahinga"...
Hanggang mag-umaga, wala na ako narinig sa kaniya... maghapon na ngayon... Day 1... kaninang tanghali, nangangati na ako itext siya pero alam ko hindi dapat... Nagplay ng music na malungkot sa opisina, pinapalitan ko... dahil naninikip na dibdib ko... hindi ako dapat umiyak... masisira image ko sa opisina... nagyou tube na lang ako...lunch time ganun pa din... naninikip pa din dibdib ko at nangangati ang daliriko na magtext... but then again, hindi pwede... magfriendster na lang ako...
Ngayon, ilang oras na lang, tapos na ang linggong ito na puro sakit... bakit hindi ako maiyak? Nasan na ang luha ko? I'm really good on concealing my feelings... kainis!!! Grrr...Matatapos na ang linggong ito, mayamaya lang nasa Bulacan na ako... magpapakabusy para sa outing bukas... sana sana sana... wala na akong lungkot na maramdaman... hindi ako mapag-isa... I will be very busy tonight and tomorrow... bahala na sa lunes...
This is my Day 1... I'm learning the art of letting go.

No comments:
Post a Comment