Makati, NCR, Philippines
Those who are interested to know me, read on… Those who are interested to share a space on my sphere, go on… Those who are ready to embrace me, carry on… Those who’d like to celebrate life with me, let’s get it on…

Sunday, January 27, 2008

I'm in deep shit... Now What???

Peste ang internet!

Ewan ko ba... internet addict kasi ako gaya ng pagiging text addict ko. Sa opisina, matapos ko masagot lahat ng e-mails ko sa Outlook, diretso agad ako sa pag-oopen ng Friendster Account ko para tingnan kung may mga bagong updates. Bago ko pa man simulan ang mga dapat ko gawin at tapusin, mas inuuna ko na ang pagtingin sa mga bagong pangyayari sa mga nasa list ko. Doon ko nga nakuha ang mga itsinismis ko sa mga kaibigan ko sa opisina tungkol sa "special friendship" ni ano at ano eh!

Kahit madami ang trabaho ko, hindi pwedeng mawala sa sistema ko ang internet... kahit mga 30 minutes lang. At dahil minsan eh nagsawa na ako sa Friendster dahil wala naman bago at yun madalas ko tingnan na profile eh hindi naman nag-update ng profile niya ng may katagalan na ngayon, natuto naman ako mag-Multiply. Matagal na ako hinikayat nina Ryan at Grace na lumipat na lang sa Multiply pero napakatamad ko dati. Recently, inupdate ko yun account ko dun na matagal ko na ginawa. At siyempre, parang Friendster, nagcheck din ako ng mga iba pang accounts.

Hanggang sa may nakita akong account sa Multiply na nagpataas ng kilay ko. Higit pa doon, nagpainit ng ulo ko. At yes, kumukulo ang dugo ko... ewan ko kung sa selos o galit. At dahil madami ako nabasa sa account na yun, napapadalas ko na awayin ang isang taong importante sa akin. Bakit? Eh kasi involved siya doon sa account na yun! Simula pa lang talaga, duda na ako eh. Malakas ang kutob ko! Walang palya yun! Hindi ako nagkamali ng kutob ko dati na pinagkakaisahan ako ng mga dati kong kasama sa dati kong trabaho kaya kumbaga sa baterya, tested na ang hunches ko. At eto na nga, pucha naman! Magdeny ka pa! Kitang-kita na! Sige lang gawin mo akong tanga. Better yet, gawin mo kaming tanga! Akala mo ha! Kakaiba ka talaga!

Ito na lang ang sasabihin ko, matakot ka na lang sa karma. Kung nag-eenjoy ka na makasakit, mag-enjoy ka lang. Kung gustung-gusto mo na utuin ako at malamang eh pinagtatawanan mo na pag nakatalikod na, ayos lang! Dadating din ang panahon ko! At pag iyon ang dumating, ewan ko na lang din!

Basta sa ngayon, masakit! Masakit! Masakit! Naknampucha naman!

God's Greatest Gift for Me this Year. You keep on Breaking My Shell!

Putang ina! Magkano ba sleeping pills? Gusto ko mag-overdose! Wanna be the next Heath Ledger!

No comments: