Makati, NCR, Philippines
Those who are interested to know me, read on… Those who are interested to share a space on my sphere, go on… Those who are ready to embrace me, carry on… Those who’d like to celebrate life with me, let’s get it on…

Saturday, October 6, 2007

Kaluluwang Ligaw...

Bakit nga ba may mga pagkakataong malungkot ang isang tao kahit ang nasa paligid naman niya ay masaya at makulay? Dahil ba sa likod ng mga ngiting kaniyang ipinapakita ay nararamdaman niyang may kulang sa loob ng kaniyang pagkatao?

Bakit kahit maliwanag ang kaniyang nilalakara'y sa kawalan pa rin ang kaniyang tinutungo? Dahil ba sa ang ilaw na kaniyang naaaninag ay mapusyaw at walang hatid na kutitap sa kaniyang mga landas?

Bakit ang pagsikat ng araw ay itinuturing niyang isang panibagong hamon at pagsagwan sa agos ng hinagpis gayung kung iisipin, ito'y hudyat ng panibagong buhay?

Bakit ang takip-silim ay nagsisilbing huling hibla ng hiningang kaniyang hinahabol sa paghimlay ng kaniyang pagal na kaluluwa?

Bakit ang mundo ay patuloy na umiikot gayung sa lahat ng sulok nito'y may dahas at may mga nilalang na mas nanaisin pang makitil ang kanilang hininga?

Bakit ang isang batang musmos na puno ng ligaya'y kailangan pang lumaki at magbata ng hirap at dusa?

Bakit ang bulaklak ay bumubukadkad gayong sa huli, ito rin nama'y malalanta, malalagas at mawawalan ng halimuyak?

Bakit ang mata'y lumuluha gayong kailangan pa rin namang pahirin ang tubig na sa kaniya'y dumaloy?

Bakit ang puso na pinagmumulan ng sanlaksang kaligayahan ay kailangan pang masaktan at mabigo?

At muli, bakit ang puso ay kailangan pang tumibok gayong sa huli siya rin naman ang huling mawawala sa isang nilalang sa kaniyang kamatayan?

Maraming tanong ang mahirap hanapan ng kasagutan... ngunit marami ring sagot ang walang katanungan.

Ikaw, nagtanong ka na ba kung bakit? Ako'y katatapos lamang... At sa kasawiang-palad, ako'y hindi nakanap ni isang tugon...

At ang araw ay sumikat... lumubog...

Ako'y hinamon ng buhay at pinanday ng pagkakataon... ngunit sa huli, ako pa din ay isang kaluluwang ligaw...

Handang magliwaliw sa dilim ng kawalan...

1 comment:

Anonymous said...

galing pouh ng mind nyo nd graveh hanga aqoh sa ginawa nyong poem bout kaluluwang ligaw!!!!!!!!!!!! hindi nyo po naitatanong, i was fund of reading those kinds of literary articlezzz. gonna leave my no. 09286657071