Okay, balik ako sa pagiging Kapuso matapos kong magpakaalibugha ng ilang buwan. Anong magagawa eh sa ayaw ko talaga sa isang nagrereyna-reynahan sa GMA. Buti na lang at hindi nag-rate ang huling show niya! Ewan ko na lang etong susunod. Basta ang sure, hindi pa din ako manunuod. Respeto ko kay Angel Locsin (ang aking peborit!), hindi ko masisikmurang panuorin ang kaniyang paglunok ng bato. Kahit pa nga ang babaeng ahas niya eh si Iwa Moto (na peborit din!). Ngayon kung di mo pa gets sinasabi ko, sus mio naman! Itanong mo kay Fulgoso ha? Pwede ding kay Karylle!
I heard na may mga foreign shows na naman na ire-remake ang GMA. Sa tradisyon ng Kim Sam Soon (at dahil sa rimarim eh hindi ko babanggitin yun naunang ni-remake ng GMA), ibabalik ng GMA ang ilang programang nagtala ng matataas na ratings. At dahil feel kong magpaka – executive ng GMA, eto mga suggestions ko:
Tamang ibalik ang Starstruck! Pero sana lang ang manalo eh yun may talent talaga. Yun bang tipong hindi lang sa tests ng jury papasa. Yun tipong kakayanin ang greatest challenge, sabi nga ni Joey De Leon ~ ang test of staying power.
At siyempre, sa August na babalik ang Survivor. Excited ako dito! At for sure, mapupuyat na naman ako! Okay lang na si Paolo Bediones pa din ang host ~ sa sobrang galing niya, wala nang pwede pa maghost ng show na yun!
Tama ding i-freeze na ang Pinoy Idol. Hindi pa kasi pwede sa Pinoy ang text voting lang ang determinant ng winner for a reality show! Hello! Nasan ba naman si Gretchen Espina. Huling panood ko ng SOP nun Linggo, mukha siyang pokpok na bakla dun sa production number nila ni Jennylyn Mercado (na isang nahirapan na ding pabanguhin ang pangalan niya matapos mabuntis!). At take note, Pinoy Idol siya di ba? Pero bakit nag-lip synch lang siya? Naknamputsa!
Tama ding nandiyan ang Are You the Next Big Star. Bakit? Siyempre naman, si Regine ang host eh! Pero question lang ~ sino ba ang stylist nila? Bakit mukhang kinakawawa ang mga babae? Ang papangit ng mga styling ng damit. Yun mga lalake ang mukhang ginagastusan ang packaging at styling. Well, ayoko na magsalita. Kasi din naman, mukha ding mas marketable ang mga lalaking contestants nila. Bets ko: Geoff Taylor sa lalake, Frenchessca (tama ba spelling?) Farr sa babae. Bakit? Sila ang mas madaling ibenta ~ may boses na, may looks pa!
May isang bubuwit na nagsabing bading daw si Alex Castro. Nun makita namin sila (Top 16) sa SOP, si Alex ang may okay na people skills ~ bati ng bati and asking the studio viewers for support sa kaniya at sa show. Bihasa kasi konsehal pala sa Bulacan.
Si Rosalinda eh talaga namang nakakabaliw! Pasado si Carla Abellana – bago pa lang, marunong nang umarte. Si Geoff Eigenman, pasado din. Pinakapasado – si Katrina Halili (clap! clap!). Ngayon pa lang inis na inis na ako kay Fedra! Effective talaga si Kat. At siya lang ang pwedeng mag-Fedra! OA nga lang ng konti si Sheryl Cruz as Valeria. Sabagay noon pa man, OA na umarte si Sheryl di ba? Si Roderick Paulate, si Sheena Halili eh maganda ding kasama sa show. Cute ang mga deliveries nila sa mga roles nila.
Ang Zorro? Hmmm, di ba nga hindi ako fan ni Richard? So pass ako dito!
Nakakaadik namang tunay ang Adik sa Iyo. Naku-cutean ako sa loveteam ni Jolina at Marvin (dati akong nasusuka sa kanila). Si Dennis Trillo eh magaling mag-ala eh. Hanggang doon na lang ha – hindi din niya kasi ako fan. Ayoko ng mahilig mag-deny ng babae (Carlene and then Cristine). At ang pinakawagi sa akin – si Jennica Garcia. Kim Sam Soon palang, tumbling na ako sa batang yan! Mapa-drama, comedy, pasok sa akin si Jennica! Kudos to GMA na siya ang inilagay sa show.
Ang pagpasok ni Uge sa Adik sa Iyo eh isang kaabang-abang. Susko! Uge + John Lapus = kabag sa kakatawa! Though si John Lapus medyo parang kulang ang comic acts sa Adik. Sana siya na lang yun sa role ni Iwa Moto tapos si Iwa Moto yun sa role ni John. Pero siyempre mas gusto ni John ang role niya ngayon, kasi madalas niya kaeksena ang crush niyang si Dennis Trillo.
Balikan natin si Jennica Garcia ha. Gusto kong siya ang gumawa ng Full House. I heard may choice na daw ang GMA kung sino, hindi pa lang nila nirereveal kung sino. Fingers crossed, si Jennica yun. Wala lang, feeling ko siya ang tama para sa role na yun. Pag siya ang naging bidang babae sa Full House, baka mahila niya ako para maging fan ni Richard Gutierrez.
Yun Jodi daw wala pang napipili ang GMA. Suggestions ko: Heart Evangelista o Jennylyn Mercado. Yun Eunice - pwede na dun si Cristine Reyes tutal di ba gusto niya bumalik sa Kapuso?
Balita ko ang original na dapat daw gagawin ng GMA eh Coffee Prince para kay Dennis at Jennica. Pero naisipan nilang gumawa ng original story hence Adik sa Iyo was conceptualized. Tama lang naman na move. Kasi kaaliw talaga ang Adik sa Iyo. Now, sino ngayon ang gagawa ng Coffee Prince kung ire-remake? Hmmm, selfish na kung selfish... si Jennica ule, siya lang ang naiisip ko. Yun bidang lalake, di na pwede si Dennis dun. Bakit? Kasi may Pauleen Luna na si Dennis. Di naman bagay kay Pauleen ang role ng bidang babae sa Coffee Prince. Though hindi malayong mag-invest ang GMA kay Dennis at Pauleen lalo na't sila na daw ngayon. Well, kung ganun nga , mag DRAMARAMA sa HAPON na lang sina Pauleen at Dennis. Tutal dun naman ang market ni Dennis, saka hilaw naman ata kung mag-primetime si Pauleen.
Kung si Jennica pa din magreremake ng Coffee Prince, sino babagay na ipartner sa kaniya? Hmmm, hindi na si Mart Escudero. Di na sila bagay. I think, pwede kay Jennica si JC De Vera. Wala lang, try lang. Feeling ko naman kakagatin din sila ng madlang people.
Now kung magsasabay ang Full House at Coffee Prince at isa lang ang gagawin ni Jennica, I would suggest na gawin niya ang Full House. Okay, aminado akong di ako fan ni Richard pero aamin na din akong kung ipapartner si Jennica kay Richard, mas lalong sisikat si Jennica.
Kung ganon, sino naman ang suggestion ko for Coffee Prince? Si JC De Vera ang bida di ba? Pwede na si Heart Evangelista din. Pwede din si Rhian Ramos (bring back the La Lola tagalized tandem... teka nakalimutan ko ito banggitin kanina ah!).
Eh pano kung magjo-Jodi nga si Heart at papartner kay Dingdong na Cholo sa Stairway to Heaven? Well, si Rhian Ramos na nga. Ewan, tingin ko hindi bagay kay Jennylyn Mercado yun role sa Coffee Prince. At siyempre, hindi din pwede si Yasmien Kurdi noh! Si Yasmien, mag DRAMARAMA na lang uli (yun eh kung bibigyan siya ng project ng GMA ule).
Teka, asan na si Sunshine Dizon at Izza Calzado? Wouldn't they fit in the Stairway to Heaven's Jodi role? Sagot ko: pwede. Kaso aminin na natin, hindi na sila appealing for primetime eh. Yun last show nila, hindi masyado nag-rate. Magagaling sila pero iba na kasi ang market ngayon eh. Siguro mag SRO na lang ule sila (yun once a week lang na drama series).
And speaking of marketability, nakakabiglang may market si Kris Bernal at Aljur Abrenica sa primetime. Minsan ko lang napapanuod yun show nila (pag Lunes ng early evening at gising ako o hindi nagpe-facebook). Balita ko may launching movie na sila. Well again, nabigla ako. Ewan, hindi din ako fan ni Kris eh. Sabi nga ng tita ko, kamukha daw ni Jessa Zaragosa at mukha daw monay (nasa lahi ata talaga namin ang pagiging mean). Si Aljur, if not for his resemblance to my youngest brother, hindi ko din papansinin si Aljur. Kasi nun Starstruck days nila, wala akong gusto sa kanilang lahat hehehe. Si Steff Prescott kasi ang bet ko.
Sino si Steff Prescott? Pwede ba siya sa mga shows na ire-remake? Hindi ang sagot ko. Hilaw pa si Steff. Bigyan na lang muna ng DRAMARAMA. Besides, nag-aaral ata ang bata.
Si Rich Asuncion? Well, matapos ang Bb. Pilipinas, nawalan ako ng gana sa kaniya. Hindi ko akalain na ganun pala ang intellect level ng lola (ayan, mean na naman ako!).
Balita ko si Glaiza De Castro daw eh igu-groom din? Pero hindi siya pwede sa mga ire-remake na shows. Pwede siya pero pang-supporting lang.
Si Sheena Halili magbida? Hindi pa din. Comic lang si Sheena pero I think hindi pa siya pwedeng magbida. For me, siya ang batang Eugene Domingo.
Si Chariss Solomon? Okay, after Sheena pwede na siya.
Si Jackie Rice? Sino yun?
Si Ryza Cenon? Ah yun Abril sa Rosalinda? Dapat ata maligayahan na tayo at siya ang naging Abril sa Rosalinda, enough exposure na yun!
Si Isabel Oli? Balita ko dapat nasa Narda din, nag-back out daw dahil sa maysakit ang tatay. May chikang ayaw lang daw makasama si Nadine Samonte at ang ex niyang si Paolo Contis. Tama lang naman, I think! Unahin ang ama. Besides, mas magandang wag na siya sumali sa Narda. Yoko nga kasi sa bida. Pero lilinawin ko, hindi din ako fan ni Isabel ha!
Parang nahahabaan na ko sa blog ko. Nag-feeling na naman ako! Eh hindi naman ako part ng casting crew ng GMA. Well, ang akin eh suggestions lang naman. Kung tutumpak ang mga suggestions ko sa pipiliin ng GMA for their upcoming shows, eh di salamat.
Oops, hirit lang. Hindi pa lubos na naaalis ang pagkaalibugha ko. Peborit ko pa din kasi si Angel Locsin eh. Saka magagaling kasi ang nasa-Tayong Dalawa. I would say na okay na din yun Tatlong Bida, pero ang pinakamagagaling dun eh yun support cast. Si Cherry Pie, si Agot, si Coco, si Gina Parreño, si Alessandra de Rossi at si Jodi Sta. Maria.
Eh ano naman masasabi ko sa Lovers in Paris? Sige ipromote na may ligawan sina Piolo at KC. Kailangan eh.
Oh siya, mahaba na talaga! Pagod na din ang mga kamay ko!